Sunday, June 7, 2009

My Pakin Werk

Aproksimeytli 12.30am lumapag ang herpeyn namin galing clark . Buti nalang at hindi malaki ang excess baggage tulad nung pauwi palang kami. Dahil nagbayad kami ng tumataginting na SGD150 noon! Ayoko na sana mag convert pero di ko mapigilan ang sarili ko. Nagbayad kami ng humigit kumulang limang libo para sa sampung kilong excess baggage. At dahil local ang naningil, di na ako nakatawad. Imagine, daming noodles at peanut brittle pa sana mabibili ko dun.


Bakit ba kasi kailangan mag-uwi ng katakot takot na pasalabung pag uuwi ng pinas, tapos pagkabigay mo ng precious pasalubong, katakut-takot naman na pintas aabutin mo.


Por eksample :
“osang ang taba mo?!”
osang says: “realy? Balik mo saken yang chocoleyt ko”,
“bakit ka lumobo ng ganyan?”
osang says: “ewan, ikaw bat ka pumangit ng ganyan?”
“shet osang mukang di ka nahirapan sa Singapore ah!”
osang says: “pakyu”.

(sayang di ko to nasabi sa kanila ng harapan ).

Buti nalang sa pagbalik namin, 4.6 kilos nalang ang excess. At dahil noypi ang nandun

kami: “miss bka naman puede i-waive na yun?” –with matching beautiful eyes.
Miss: “naku hindi puede, sige 4kilos na lang”.
kami: “ay, sige na konti lang naman 4kilos lang” – with paawa epek ng muka.
Miss: “sige 2kilos nlang! Ops! Wla ng tatawad!”


at nangiti na kami dahil Php800 lang ang binayadan namin. Kung alam ko lng na ganito sana di ko tinigilan yung crew sa sg na gawing 3kilos nalang yung 12kilos na excess namin.



1:30am na yata kami nakauwi. At 2:00am na nakatulog. At ang malupit, may pasok na ko agad mamayang 9:00am. . Pero ayos lang naman. Sobrang saya naman namin sa loob ng 9 na araw na uwi. Nakain ko lahat ng gusto ko, maliban sa isaw barbeque ni manang malapit sa Iglesia ni cristo na nakapwesto sa tindahan ni kalbo sa pagitan ng baranggay pasolo at mabolo. Sayang talaga!



Pero syempre kapalit ng sobrang saya ang lungkot nung pabalik na kami. Best friend ko kasi ang naging driver namin for a while, at si faye ang naging taga bayad ng gas. Kaya nga nung unang alis ko pa lang last year ayoko na talaga pahatid kahit kanino, dahil alam kong ganito ang feeling. Parang ayaw ko na ulit sumakay ng herpeyn at gusto ko nalang gumimik kami all night kasama si mang jose, mang lapids, mang greenich, mang kfc, mang jolibi, at mang starbaks. Ma-mimiss ko din ng sobra ang nanay at majujuba kong siblings. Pero syempre naman, kailangang mag move on.


Gising nako ng 6:30am dahil inayos ko pa ng konti ang mga lalabang damit. Kumain, naligo, nag plantsa ng damit. 8:45am nasa opis nako. At pinangako ko na sa sarili kong this is it! Ito na ang pang 999 kong trabaho. Yung 996 3months lang tinagal ko, pang 997 2days. At sa pang 998, isang araw at kalahati. at dahil recession ngayon, kailangang karirin ko na ang paking werk ko na to. Malapit naman ang ofis, 1ride mrt at 1ride bus papasok. Pauwi naman, nilalakad ko nlng papuntang mrt mga 25minutes walk din yun. Tapos mrt pauwing east. Napa kamot nga ng ulo yung anaps kong teamlead nung nalaman nyang naglalakad ako pa-aljunied mrt. Sabi nya


anaps : “huh? So far a?”
osang : "kanya kanyang trip yan, adik!
anaps : "wat did u say?"
osang : "a... no boss, I sed trapik"


Kaya nung 1st day ko, umuwi akong dumudugo ang dalawang paa dahil sa paltos. Kaya kinabukasan, naka-tsinelas nalang ako pagpasok.


Eto nga pala ang aking work station








with my laptopz na ang tatak ay "volox".


Di muna ako mag co-count down to resignation, kailangan ko pa mag-ipon para bumili ng mga tamang size ng sandals na pinasalubungan ko. Kung hindi kasi maliit, sobrang laki ng nabili ko para sa kanila.


Bf sensya kana ha, size 9 yan, size 5 ka lang pala. Sana masuot mo. For d mintay, mag-medyas kana muna...