Monday, June 15, 2009

PREAMBLE

I hope my wife will not be anger to me...

Lahat ng post dito sa blog na ito ay gawa nya...

I told her to make her blog... Pero ayaw nya...

Kaya naiisip ako na lang...

I just re-post her blog from another social networking website...

Hehehe...

I love you Bebi...

Sunday, June 14, 2009

True to life KASABIHAN

Dahil sa dati akong Filipino teacher, madalas kong dinadaan sa kasabihan ang sermon ko sa mga students. Yung iba, matagal ng kasabihan, yung iba, galing kay tatay, yung iba galing din sa mga dati kong guro, at yung iba, imbento ko na lang. Kasi for me, basta may point ka naman, e di gumawa ka ng sariling kasabihan at pamantayan sa buhay.

Minsan naloloka ang nakakarinig sa akin pag nagbibitaw nako ng kasabihan ko. Pero logical naman yun at kasama sa discussion, di naman ako bumabanat ng litanya out of nowhere. Depende sa kwentuhan.
Eto na, go!


Ang taong nagtatanong ay mukang TANGA, pero ang hindi nagtatanong ay MANANATILING TANGA


Naging peborit litanya ko ito noon lalu na pagtapos kong mamaos kaka-lecture at tatanungin ko ang buong klase kung may TANONG pa sila, ang isasagot panigurado, WALA NA PO. Na kala ko nag-sink in sa kanila lahat ng pinagsasabi ko. Tapos pag bigla nako nag pa-quiz, BOKYA. Maryosep.


Ang isda ay nahuhuli sa kanyang bibig


Naiinis ako pag may kakwentuhan ako, tapos pag tinanong mo ng deretsong tanong, ang sasagot saken, “secret”, “tsaka na lang”, “wag muna naten pag-usapan”. Meron akong kilalang umuwi ng Pilipinas dahil na-home sick at na-miss ang gf. Nung naka-chat ko at kinamusta kung kamusta sila ni gf, ang sagot ba naman “it’s complicated”. Leche parang Friendster. Pwede naman sabihin deretsong oo okei naman or hindi kame okey. Kailangan dami pang ligoy na mag-iisip pa ako kung anu kaya status nya sa facebook, baka dun makakuha ako ng idea. Kaloka...


Wag mo lagi sasabihing wala kang pera, kase lalu kang mawawalan


Lagi ko ito naririnig kay tatay dati nung alive pa sya. Lagi nya sinasabi kay nanay na wag sasabihing wala kaming pera kasi daw lalu kami mawawalan. Naisip ko naman nung bata ako, baka may pamahiin na ganun. Nito ko na lang naisip na ang housewife pala, aburido talaga sa buhay pag walang pera kaya dinadakdakan ang asawa. At nito ko nalang din na-realize na mayabang lang talaga ang tatay ko, kaya hindi talaga halata pag wala na syang pera.

Naalala ko noon, iyak ng iyak ang tatay ko pag-uwi ng bahay. Lasing at galit kay nanay. Pano kasi kumain sya sa peborit lugawan namen sa Malabon, nagpa refill pa ng lugaw at sarap na sarap sa dila ng pork. Pagdukot nya nung magbabayad, naisahan pala sya ni nanay at na-holdap ang laman ng wallet nya. Ayun, iniwan nya ang kotse nya sa lugawan at humiram ng pera sa opismates para makabayad sa lugaw. Di naman halatang wala syang pera kasi may car, naiwan lang kunwari ang wallet. Warla sila ni nanay pag-uwi ng bahay. Hahaha.


Bago may lumabas na salita sa bibig mo, isipin mo muna ng isang milyong beses bago mo sabihin


Lagi rin itong sinasabi ni tatay sa amin. Naisip ko nung bata ako, kung iisipin ko muna ng isang milyong beses yung sasabihin ko sa kalaro ko, masabi ko pa kaya yun sa kanya bago mag-uwian?

Naalala ko noon, inaway ako ng buong subdivision dahil nadinig daw nila na sinabi kong hindi naman marunong mag-sayaw yung susyalerang kalaro namen, pero feel na feel na magaling sumayaw ang bruhilda. Nagsabi lang naman ako ng totoo, pero simula noon, hindi nako naglalalabas ng bahay. Ayaw pala nila ng kalarong honest, at antipatika yata ang bagong term nila sa taklesa. Hahaha.

Hindi ako perfect, pero hindi kasi ako feeling. Alam kong hindi ako sexy, hindi ako kakinisan, at maganda lang ako sa mata ng nanay ko at ni fafa. Kaya hindi naman ako nagmamaganda. Confident naman ako sa sarili ko, pero di ako over confident. Masarap purihin ang mga magaganda at mababait, pero masarap din mang-okray pag wala na sa lugar ang pag-mamaganda.
Kapag nakakita ako ng maganda, ay maganda talaga yon, sasabihin ko agad “oy kapatid ang blooming mo ngayon” o kaya “oy ganda mo ngayon neng”.

Pero pag masakit sa mata, “uy frend mismatched ang damit mo, wag mo na ulit isusuot yan” o kaya, “oy kapatid nagpa-kulot ka ba talaga? Parang ginulo lang yang buhok mo. Sabunutan na lang kita libre.” (peace maane mahal kita, hahaha! kulutin naten yang hair mo).

Yan naman yung tipong okray, pero honest at friendly pa din. At sinasabi ko lang yan sa taong feeling ko ay kaibigan ko naman talaga. Kung tunay mong friend talagang masasabi sayo yan. Walang halong echos at bola. Yung totoo lang at direct to the point. Ako din naman marunong tumanggap ng criticism. May peborit akong polo noon. May nagsabi saking, “friend wag mo na susuot yan. Di maganda”. Tinapon ko na yata ang polo na iyon. Kawawang polo.


Pag hindi ka kagandahan, idaan na lang dapat sa ugali


Hindi ko alam pero marami ako kilala na maganda o gwapo at super mabait naman. Pero meron din akong mga kilala na medyo hindi pinalad tapos lagi pa nakasimangot. Nung bata ako unang impression daw sa akin mataray ako. Naisip ko naman, anu bang gusto nila ngumiti ako habang naglalakad sa kalye, e magmu-muka naman akong sira-ulo. Habang tumatanda narealize ko, magkaiba pala ang hindi naka-smile sa naka-ismid. Siguro nga mukang lagi ako naka-ismid noon kaya ako mukang mataray. Kaya habang tumatanda, never na ako umismid habang naglalakad. Hindi na nga ako kagandahan lagi pa ako nakasimangot, OLATS.


Pag tinarantado ka ng syota mo, tarantaduhin mo nalang din. Gantihan na lang.



Natatandaan ko ang sinabi ng nanay ko noon “anak baka naman ngayon mabait yang si (jowa), mamaya pag mag-asawa na kayo tsaka sya mag-loko.” Simula noon, niready ko na ang sarili ko sa mga puedeng mangyari.

Ang mga lalaki daw in nature ay polygamous o di kaya ay pervert. Di ko naman sinasabing wala na akong tiwala sa mga lalake partikular na kay fafa. Pero kung sakali mang dadating ang araw na magkatotoo ang comment ni nanay, handa na ako. At dapat handa na rin si fafa sa mga puede kong gawin. Bwahahahahahha! With matching tawang demonyita.

In English sabi nga ng friend kong si yzai :
“I don’t get mad, I get even” ang taray ng bakla!

Ang say ko naman palagi :
“Lahat ng kaya mong gawin, kaya ko rin! Wag ako galitin, dahil hawak ko ang lihim ng Golden Buddha.”


Kung hindi kana virgin, wag mag pa tweetums. Kung virgin ka pa pero majonda kana, good luck sayo kung pa-tweetums ka pa din. MARYOSEP!


Bato-bato sa langit. Ang tamaan, sapul!


PS

Pasensya na kung may mamalditahan, tao lang.

Thursday, June 11, 2009

Auntie “tea lady”

"Hi…Mornin!"

Yan ang araw-araw na bati ni auntie sa’ken. Karamihan sa mga oldies dito sa sg ay hindi gaanong nakakaintindi o nagsasalita ng English, or worse deadmahan na lang talaga dahil di kayo magkaintindihan.


Pero iba si auntie.


Nasa 4’8’’ lang yata ang taas niya. Medyo matambok na rin ang likod o sa tagalog, hukot o medyo nakuba na sa tagal siguro ng pagta-trabaho. Nakadagdag siguro ang pagiging hukot kaya mas maliit siya tignan. Meron syang maikling buhok na kulot. Nakasalamin at nasa 60-65 yrs old ang edad. Nung una ko syang nakita, naalala ko agad si nanay dahil hukot din ang nanay ko.


Masigla pang kumilos si auntie kahit alam kong matanda na sya. Siya ang naglilinis ng pantry, nagtatapon ng lahat ng basura ng trash bin sa bawat working area, nagpupunas at naglilinis ng kwarto ng mga boss, nagwawalis at minsan nagva-vacuum. Kalahating araw niya lang ginagawa lahat yon dahil nakakasabay namin siya minsan paglabas, kakain na kami ng lunch at uuwi naman siya.


Dahil nga natutuwa ako pag nakikita ko sya dahil naaalala ko si nanay, gustong-gusto ko syang bigyan ng kahit anong meron ako. Isang beses ko syang nabigyan ng tuna puff. Nung sumunod naman ay kasuy. Pero ang tagal bago niya tanggapin. Tapos mag te-thank you siya. kinwento ko si auntie sa highschool friend kong si Jermaine. Sabi niya, baka daw kasi wala sa kultura ng mga locals ang ganun, na may nagbibigay na foreigners. Ganown?! Tuloy minsan, nahihiya na rin akong alukin sya ng kahit ano dahil tanggi naman siya ng tanggi.


Kanina, nagtitimpla ako ng kape sa pantry, pumasok sya bigla at sinabing “hi, mornin!” tapos sabay tawa ng mahina at hinimas ako sa likod. Nagulat ako, at na-touch. Siguro dinaan na lang niya sa himas ang gusto niyang sabihin saken, kase nga hindi kame magkaintidihan. Hehe.


Paglabas ko ng pantry, kasunod ko rin sya sa likod ko. At pag-upo ko sa area ko, narinig ko syang kinausap yung kalbong finance controller sa opis. May sinabi siya in chinese sabay turo sa table ko, at biglang tingin naman saken nung finance controller. Hala, kaloka. Hindi ko naintindihan kung ano sinabi ni auntie.

Hay, namiss ko tuloy bigla ang nanay ko. . .

happy birthday sa Byernes (June12) NANAY!!!

Sunday, June 7, 2009

lessons learned

"habang nakasakay ako kanina sa mrt papasok sa trabaho, na-miss ko ang mrt at lrt sa pilipinas. 16yo palang ako sumasakay nako sa lrt papasok sa ust. i can say ang dami kong natutunang mas kapakipakinabang, kesa dito sa sg...


Life’s a risk – magbuwis ng buhay makaakyat lang sa hagdan ng mrt sa north edsa tuwing rush hour 7-9am. dahil puno na ng tao ang hagdan paakyat, wala akong choice kundi i-ocupy ang edsa kahit alam kong sasagasaan ako ng bus anytime. exciting kasi para lang ako nakikipagpatentero sa kalsada. pero i see to it naman na mas mauunang masagasaan yung nasa likod bago ako. sweet..

Go with the flow – don ko na-experience na habang pumapasok sa loob ng tren, okei lang kahit di nako maglakad. kinakaladkad nalang ako ng mga katabi ko papasok sa loob. effortless!

Put yourself on other people’s shoe – pag nasa loob ka na ng impyerno este, tren, dun ko naman naintindihan kung ano ang nafi-feel ng sardinas sa loob ng lata. na tipong nag-aagawan na kami ng mga katabi ko sa hangin ng mahinang aircon. Kailangan may reserbang oxygen, dahil after 5minutes carbon dioxide na ng katabi ko ang lalanghapin ko. Okei lng nman yun dahil carbon dioxide ko rin ang malalanghap nya. Quits lang.

No pain, no gain – patayan na pagpasok, patayan din paglabas. kailangan marunong makipag buno para makalabas ng lrt. Naranasan ko to nung college days, dapat sa tayuman ako bababa, pero dahil mga gago yung malapit sa pintuan, di ako nakalabas kaya nakarating ako ng bambang. Syet talaga, late ako sa p.e. kaya the next day siniko ko lahat ng nasa pinto makalabas lang ako.

Creativity – pag umuulan noon, ilang beses akong nakasakay sa tumirik na lrt. may dalawang option, intaying umandar ulet, o kaya lakarin ang gilid ng riles hanggang sa stasyon tapos mag-jeep nalang sa ibaba. Hindi ko ginawa yung pangalawa. okei lang kahit di ako creative, natutunan ko naman ang “patience”.

GOLDEN RULE – “Do unto others as you would have them do unto you”. kung gusto mo makatikim ng mura, ng bonggang bongga, magreklamo ka lang sa loob ng tren. at makikita mong hinahanap mo.

babaeng maarte : manong umusod naman kayo ng konte!
mamang mabaho : hoy miss kung ayaw mo madikitan mag-taxi ka!!! gagong to.

babaeng maarte : kuya nanghihipo ka na ah!
cute na mama : hoy ate ang kapal ng muka mo, chowsy ako no. luka-luka.

dalawang mamang nagkatulakan : wala ng dialog, suntukan na kagad.


at ito lang ang natutunan ko dito sa sg. kaya boring


Balance – napa practice ko lang 'to tuwing sasakay ako sa MRT pag di ako nakahawak sa train bars dahil mejo puno na. dapat shempre may strategy kung pano tatayo ng magkahiwalay ang paa at alert kung kelan pepreno ang driver. di tulad sa pinas na di kana bibigyan ng chance mag balance dahil sa sobrang siksikan sa loob, hindi na makakagalaw ang lahat kahit gano pa kalakas magpreno ang driver.

It’s better to give than to receive – ang kakapal ng mga hudas na local na lalake dito. nakikipag unahan pang makaupo sa babae, buntis, may hawak na baby at senior citizen. Pagka-upong pagka-upo, nakapikit na kagad na parang nananaginip na sa pagtulog. sana di na sila magising.

Self-control – kailangan hindi ka masuka pag mabilis ang paandar ng siraulong driver. Hindi dahil nakakahilo sya magdrive. malalanghap mo kasi ang hangin galing sa ibang part ng tren, tapos sa part ng tren na yun swerte at madaming anaps. you’re so lucky!

… walang ka challenge challenge. charing!"

My Pakin Werk

Aproksimeytli 12.30am lumapag ang herpeyn namin galing clark . Buti nalang at hindi malaki ang excess baggage tulad nung pauwi palang kami. Dahil nagbayad kami ng tumataginting na SGD150 noon! Ayoko na sana mag convert pero di ko mapigilan ang sarili ko. Nagbayad kami ng humigit kumulang limang libo para sa sampung kilong excess baggage. At dahil local ang naningil, di na ako nakatawad. Imagine, daming noodles at peanut brittle pa sana mabibili ko dun.


Bakit ba kasi kailangan mag-uwi ng katakot takot na pasalabung pag uuwi ng pinas, tapos pagkabigay mo ng precious pasalubong, katakut-takot naman na pintas aabutin mo.


Por eksample :
“osang ang taba mo?!”
osang says: “realy? Balik mo saken yang chocoleyt ko”,
“bakit ka lumobo ng ganyan?”
osang says: “ewan, ikaw bat ka pumangit ng ganyan?”
“shet osang mukang di ka nahirapan sa Singapore ah!”
osang says: “pakyu”.

(sayang di ko to nasabi sa kanila ng harapan ).

Buti nalang sa pagbalik namin, 4.6 kilos nalang ang excess. At dahil noypi ang nandun

kami: “miss bka naman puede i-waive na yun?” –with matching beautiful eyes.
Miss: “naku hindi puede, sige 4kilos na lang”.
kami: “ay, sige na konti lang naman 4kilos lang” – with paawa epek ng muka.
Miss: “sige 2kilos nlang! Ops! Wla ng tatawad!”


at nangiti na kami dahil Php800 lang ang binayadan namin. Kung alam ko lng na ganito sana di ko tinigilan yung crew sa sg na gawing 3kilos nalang yung 12kilos na excess namin.



1:30am na yata kami nakauwi. At 2:00am na nakatulog. At ang malupit, may pasok na ko agad mamayang 9:00am. . Pero ayos lang naman. Sobrang saya naman namin sa loob ng 9 na araw na uwi. Nakain ko lahat ng gusto ko, maliban sa isaw barbeque ni manang malapit sa Iglesia ni cristo na nakapwesto sa tindahan ni kalbo sa pagitan ng baranggay pasolo at mabolo. Sayang talaga!



Pero syempre kapalit ng sobrang saya ang lungkot nung pabalik na kami. Best friend ko kasi ang naging driver namin for a while, at si faye ang naging taga bayad ng gas. Kaya nga nung unang alis ko pa lang last year ayoko na talaga pahatid kahit kanino, dahil alam kong ganito ang feeling. Parang ayaw ko na ulit sumakay ng herpeyn at gusto ko nalang gumimik kami all night kasama si mang jose, mang lapids, mang greenich, mang kfc, mang jolibi, at mang starbaks. Ma-mimiss ko din ng sobra ang nanay at majujuba kong siblings. Pero syempre naman, kailangang mag move on.


Gising nako ng 6:30am dahil inayos ko pa ng konti ang mga lalabang damit. Kumain, naligo, nag plantsa ng damit. 8:45am nasa opis nako. At pinangako ko na sa sarili kong this is it! Ito na ang pang 999 kong trabaho. Yung 996 3months lang tinagal ko, pang 997 2days. At sa pang 998, isang araw at kalahati. at dahil recession ngayon, kailangang karirin ko na ang paking werk ko na to. Malapit naman ang ofis, 1ride mrt at 1ride bus papasok. Pauwi naman, nilalakad ko nlng papuntang mrt mga 25minutes walk din yun. Tapos mrt pauwing east. Napa kamot nga ng ulo yung anaps kong teamlead nung nalaman nyang naglalakad ako pa-aljunied mrt. Sabi nya


anaps : “huh? So far a?”
osang : "kanya kanyang trip yan, adik!
anaps : "wat did u say?"
osang : "a... no boss, I sed trapik"


Kaya nung 1st day ko, umuwi akong dumudugo ang dalawang paa dahil sa paltos. Kaya kinabukasan, naka-tsinelas nalang ako pagpasok.


Eto nga pala ang aking work station








with my laptopz na ang tatak ay "volox".


Di muna ako mag co-count down to resignation, kailangan ko pa mag-ipon para bumili ng mga tamang size ng sandals na pinasalubungan ko. Kung hindi kasi maliit, sobrang laki ng nabili ko para sa kanila.


Bf sensya kana ha, size 9 yan, size 5 ka lang pala. Sana masuot mo. For d mintay, mag-medyas kana muna...

How Men and Dogs are alike?

Both
  • take up too much space on the bed.
  • have irrational fears about vacuum cleaners.
  • are threatened by their own kind.
  • mark their territory.
  • are suspicious of the postman.
  • are bad at asking you questions.
  • pass gas shamelessly.
  • like dominance games.
  • tend to smell riper with age.

Neither
  • of them tells you what's bothering them.
  • of them does dishes.
  • of them notice when you get your hair cut.
  • knows how to talk on the telephone.
  • understands what you see in cats.
  • The smaller ones tend to be more nervous.

from Unknown Author